"HINDI KO NAMAN GUSTO SUMALI..."

[Speech of Tonette Mendoza Oblena during the AKBAY Fundraising Dinner at Luxent Hotel, September 16, 2017]


AKBAY SPEECH

Magandang gabi po sa inyong lahat.

Hindi ko naman po gusto sanang sumali sa Akbay.  Ang gusto ko po talagang salihan ay... Bungang Himig. Ngunit sa kasawiang palad, hindi naman po talaga ako mang-aawit, kaya cguro po, hindi nila ako inimbita sa napakagaling na choir na yon.  Ngunit ako naman po ay may nalalaman ng kaunti, sa pagtugtog ng piano.  Cguro po dahil marunong ako mag-piano, yinaya ako ng kaibigan ng aking mga nakatatandang kapatid na si Kuya Ray upang mag-akumpanya sa PG kanilang isang performance sa St. Joseph.

Excited po ako.  First time lang ako mag-aakumpanya ng piano.  Malaking break ito sa mga aking madalas na tinutugtog katulad ng mga likha ni Mozart at Bach na aking inaaral sa Conservatory.  Sa wakas, makakatugtog din ako ng mga sikat na Christmas song tulad ng Pasko na Sinta Ko at Payapang Daigdig. 

Excited din po ako, dahil sa St. Joseph kami tutugtog - ang aking grade school alma mater.

So nung unang practice, sobra akong excited, at nag-practice ako ng mabuti.  Ang yabang ko pa.  Conservatory of Music student yata ako. Pero sobra din po ako’ng mahiyain.  Ngunit napakabait ng lahat ng tao.  May kaunti din naman po ako’ng kilala katulad ng mga Del Rosario.  Si Pen-pen at Merty po ay mga kaibigan ng mga kuya ko, at si Michael naman, ay klasmeyt ko ng nursery sa Sacred Heart Pre-School.  Naaalala ko din si Alice, datapwat hindi ko sya kilala, pero nakikita ko sya parate na pakalat-kalat sa kalye.  Sino naman po’ng hindi makakakilala kay Alice sa buong Kamuning.  Nandon din po si Karla, na kala ko ay napaka-antipatika, nung pareho kameng nag-aaral sa St. Jo, ngunit hindi nagtagal, ay naging bestfriend ko din.

 So umpisa na ang praktis.  Ano yan?  Piano ba yan?  Keyboard lang pala.  Kulang ang mga teklada.  Kelangan pang i-plug… baket ganon? Hindi ako marunong gumamit non.  Napaka bookish at stiff po ako pagdating sa piano.  At ngayon ko po ikukumpisal sa inyo, na hindi naman po ako talaga musical… marunong lang po ako magbasa ng nota, dahil po ng bata ako, strikto po ang piano teacher ko, at sinisugarado ng Mommy ko na nandito ngayon, na mag-praktis ako araw-araw, gabi-gabi, araw-araw, gabi-gabi, araw-araw, gabi-gabi.

So unang practice namen, mali po lahat ng nota na tinugtog ko. Super nakakahiya. Hindi ko po talaga alam kung pano tumugtog ng keyboard. At ang lakas-lakas ng magandang mga boses ni Kuya Alex at Kuya Merty, kaya litong-lito ako. Hindi ko talaga cla masabayan.  At sa gulat ko… ang gagaling nila.  Ang gaganda ng mga boses!!!

At ganyan nag-umpisa ang aking kasaysayan sa Akbay.  Dito po nahasa ang aking musicality.  Malaki pong dagdag ang kumanta sa choir, at tumugtog ng piano para sa kanila, higit pa sa aking araw-araw na pagpraktis ng piano, na cguro, sa mga nag-aaral dito ng classical piano, ay alam nyo na napakalungkot na gawain ito.  Ang dami pong oras na mag-isa lang ako, nagp-practice ng scales at arpeggios, at nagmememorize ng mga mahihirap na piyesa.

Samantala sa choir, alam po nating lahat kung gaano po kasaya at kaganda kumanta at tumugtog  ng nasa harmony (kuminsan din po wala sa harmony) kasama ng mga matatalik na kaibigan, pareho sa simbahan at sa mga iba’t-ibang mga performances. 

Hindi lang po musika at pagsamba ang ibig sabihin ng Akbay.  Dito po, natuto ako, sa magaling at dalubhasa na pagtuturo at pagsusubaybay ni Kuya Raul, aka, Boy Bastos, na kumaen ng fishballs, uminom ng softdrinks sa bote, at kumain ng isaw. 

Ang Akbay para sa akin din po ay ang napakadami at masayang Christmas carolling, pagkanta sa mga kasal, birthday, patay at buhay.  Ito po ay mga outing sa Matabungkay at Tali Beach, sakay sa mga bulok na jeepney na hindi makaakyat sa bundok at kailangan naming kalsuhan bawat limang metro. 

At napakadami pong love affair dito sa Akbay.  Cguro dala na din yan ng malalamig na umaga twing panahon ng pasko kung kelan nagsusunduan ang isa’t isa paputang simbahan para mag simbang gabi. Hindi ko po alam kung baket, ngunit sa lahat ng aking mga kaibigan, ako lang po ang hindi nagkaron ng boyfriend sa Akbay.  Ewan ko po kung wala clang gusto saken, o takot cla sa mga Coyang ko, at aming family driver na yumao na na c Mang Cesar. 

Kasama po sa mga love affair na nagkatuluyan ay cla Kuya Merty at Loi, c Claribel at Jojo, siempre, c Lei at c Kuya Jojo, at siempre c Reina, at ang ating mabuting kaibigan na kung kelan lang ay yumao na ci Jojo.   Marami pa pong iba jan… ngunit sa isang mahabang inuman at chismisan na session na lang nating pag-usapan, dahil po baka magalet cla saken kung ibulgar ko cla dto sa napaka pormal na okasyon.  Marami po akong alam na chismis, kaya itanong nyo na lang saken mamaya. 

Tayo-tayo din po ang mga naging magkukumpare at magkukumare, katulad po ng aking kumpare at kumare na c Jojo at Lei, at ang aking kumare na c Jazmin.

Katulad po ng nakakarami saten dto, ang buhay, pag-aaral, trabaho at pamilya ay mga malaking sagabal sa barkada.  Kung kaya po, matagal din po akong panahon na hindi nakakasali sa Akbay… sa pag-aaral ko ng abugasya at pagtatrabaho sa ibang bansa dahil sa aking trabaho sa DFA. 

Ngunit dala ko po parati ang Akbay sa aking puso kung saan man ako.  Alam nyo naman, pag nasa abroad, parate ang tanong ng mga kappa-Pinoy, “Taga saan ka?” O “Ano probinsya mo?” E wala naman po akong masagot na probinsya... kaya ang parate kong sagot... “sa probinsya ng Kamuning.”

Kc... para naman talagang probinsya ang Kamuning... may palengke, may creek, may mga tambay sa kalye, may piyesta, may mga simbahan... at siempre, may Akbay.

Kahit saan man ako, parati po ako nagdidirect ng choir kung saan po lahat ng natutunan ko sa Akbay, pati na ang ating mga awit na kinakanta, ay dinadala ko.  Meron po akong mga choir sa Ateneo Law School, sa Cambodia, sa Moscow, Russia, at ang pinaka-huli, sa Kuala Lumpur.

Tuwing umuuwi din po ako,  gumigimik pa din kme ng aking mga napakatalik na kaibigan na cla Alice at Natalie, pati na rin cla Loi at Claribel at ang kanilang mga asawa, at ang mga cute na cute na mga chubbies na cla Joy, Reina, Rhea, Alice, Pinky.  Binisita pa nga po ako ng mga chubbies sa KL, kung saan po napamalas ko ang kanilang kabigha-bighani na pagkaen ng almusal. 

Ngayon po, ang mga batchmates ko sa Akbay, pagkatapos ng humigit-kumulang na 30 taon at 30 ding kilo - naka-graduate na po kme sa pakakalat-kalat sa kalye at pagsakay ng mga jeep na kinakalsuhan - kme po ay mga donors (aka ninong at ninang) sa mga bago at mga batang Akbay.  

Malaki po ang pasasalamat naten sa ating pinakakamamahal na Kuya Ray, hindi po dahil sinisingil nya tayo maya’t maya sa kung anu-ano bilang mga donors, ngunit po dahil napalaking bagay po ang revival ng Akbay.  Ako po ay natutuwa dahil ang mga kabataan naten ay sumasali dito dahil sa pagmamahal sa pag-awit at sa Dios. 

Bilang graduate ng Conservatory of Music, naiintindihan ko po ang kahalagahan ng pag-professionalize sa ating mga trainers.  Mas mahirap po at mas matagal ang pag-aral ko sa Conservatory (ako po ay nagp-piano simula 4 years old), kaysa po sa aking pag-aaral ng abugasya ng apat na taon po lamang.  Kaya po dapat po nateng ipahalagahan at i-appreciate ang trabaho ng ating music trainers, at sana po ay tayo at ang ating simbahan ay ituring cla bilang mga propesyonal. 

Bago po ako magwakas, at dahil po gusto ko na kumaen ng aking dessert kasama c Alice, kaya iwawakas ko na ito, gusto ko lamang po imention ang mga members ng Akbay na naging malaking bahagi ng ating mga buhay na mga yumao na.  Ang aking matalik na matalik na kaibigan at isa sa pinakamagaling na soprano ng Akbay, c Karla Domingo, Si Kuya Jun Pe Benito, at kung kailan po lang, ang ating mahal na c Jojo Galigo.


Marami pong salamat sa inyong lahat.  Salamat sa inyong pakikinig. I heart Bungang Himig... este... I heart Akbay! Mabuhay ang Akbay!!!

Comments

What's hot?