Kailangan ng inspiration

Hindi ko alam kung ano ang pwedeng maging inspiration ko para magsulat ng experience ko sa choir. Wala talagang pumapasok sa isip ko kase unang una hindi naman ako marunong mag sulat ng kwentong buhay.

Pero lately nung nagkasakit ang parents ko naisip namin ni Eva na linisin ang buong bahay sa Kamuning. Ako taga pili kung ano ang itatapon at itatabi.  May inabot si eva isang plastic na may lamang mga lumang papel na halos kulay brown.

Napangiti ako kase bumalik lahat ng mga happy memories ko nung nasa peak pa tayo ng career natin. Yung mga time na may rehearsals tayo sa UP, CCP, Philam, Sa Santiago Hall ng PCIBank (now BDO), yung malaking bahay sa Forbes Park na halos isang block ang property nila tapos may catering pa tuwing rehearsal natin para sa death anniversary yata un nung may ari ng Rustans.

Ang sarap lang sa pakiramdam na minsan sa buhay ko nakakanta ako sa malalaking venue. Kasama yung world renowned choirs parang ang galing galing lang natin kahit church choir lang tayo.

Naalala ko din yung nag recording tayo sa movie ni Sister Faustina. Tayo ung boses sa likod ng mga madre na kumakanta. Yung papasok ako sa school na puyat na puyat kase galing recording pero di pwede mag-absent sa school kaya kahit naghe-headbang ako sa jeep ok lang. Ganun talaga e.

Yung kumanta tayo sa loob ng Christmas tree sa Luneta, Yung kumanta tayo sa Mall tuwing christmas season. Nakakatuwa lang na minsan pala sa buhay ko na-experience ko lahat yan.

Madami pa sana ako balak isulat about life pero next time na lang ulit pag may bagong inspiration.

Salamat sa mga babasa. Pwedeng mag comment kung may kulang ha. or gawa na lang din kayo ng sarili nyong kwento para masaya.




Comments

What's hot?